Dela Cruz hinirang na Player of the Week

MANILA, Philippines - Bago siya maglaro sa professional league ay gusto ni Arthur Dela Cruz na iwanan ng NC­AA crown ang five-peat champions na San Beda Red Lions.

“I want to give San Be­da another cham­pionship before enter the PBA,” wika ni Dela Cruz. “If I can win the MVP award, I’ll consider it a bonus.”

Nasa ikalawang silya nga­yon ang 6-foot-3 na si Dela Cruz sa karera pa­ra sa Most Valuable Pla­yer award ng 91st NCAA men’s basketball tournament.

Napili si Dela Cruz bilang seventh overall ng Blackwater sa na­karaang 2015 PBA Rookie Draft.

Nakasama si Dela Cruz sa top five sa points (20.36), rebounds (12.09) at assist (6.09).

Kasalukuyang na­ngu­nguna sa MVP race si Nigerian import Allwell Oraeme ng Mapua Cardinals.

Sa 96-84 panalo ng Red Lions laban sa Emi­lio Aguinaldo College Generals noong nakaraang Martes ay kumamada si Dela Cruz ng 30 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals.

Nagtala naman ang San Beda forward ng 17 points, 10 boards at 7 assists sa kanilang 89-63 pag­giba sa St. Benilde Blazers noong Biyernes.

Dahil dito ay hinirang si Dela Cruz bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Pla­yer of the Week.

Tinalo ni Dela Cruz para sa nasabing weekly honor sina point guard Mark ‘Ant Man’ Cruz ng Letran Knights at Ca­meroonian big man Jean Victor Nguidjol ng Ly­ceum Pirates.

 

Show comments