Delos Santos at Suazo bumandera sa Lucena leg ng Milo

LUCENA, Philippines  -- Muling ipinakita ni two-time Milo Marathon Queen Mary Grace Delos Santos ang kan­yang dominasyon nang pangunahan ang 21-kilometer women’s division ng 39th National Milo Marathon dito kahapon.

Nakiisa sa halos 11,500 runners si Lucena City Ma­yor Roderick Alcala at sina celebrities Joross Gam­boa, Katya Santos, Jaycee Parker, Jamille Obispo at Zara Lopez na tumakbo sa 5K race.

Nagposte si Delos Santos, miyembro ng Philippine Air Force, ng tiyempong 01:13:23 para ungu­san sina Janice Tawagin (01:38:56) at Jeanyrose Hari (01:47:39).

Bumandera naman sa men’s category si Ruel Sua­zo nang maglista ng oras na 01:13:23 para talu­nin sina Alley Quisay (01:15:49)  at Nimrod Cesar (01:19:26).

Ang 23-anyos na si Suazo ay tumapos na third placer sa nakaraang Milo National Finals.

Dahil sa kanilang panalo ay nakamit nina Delos Santos at Suazo ang tiket para sa 2015 Milo Na­tional Finals.

Nakataya sa 2015 Milo National Finals sa Dis­yembre 6 sa Angeles ang Milo Marathon King at Queen titles.

Ang mga hihiranging Milo King at Queen ay ipa­padala sa United States para sa tsansang makalahok sa 2016 Boston Marathon.

Mula sa Lucena ay dadalhin ang Milo quali­fying legs sa Iloilo (September 20), Bacolod (Set­yembre 27), Tagbilaran (Oktubre 4), Cebu (Oktubre 11), General Santos (Oktubre 18), Davao (Nob­yembre 8), Butuan (Nobyembre 15) at Caga­yan De Oro (Nobyembre 22).

 

Show comments