MANILA, Philippines – Hindi pa ito ang tamang panahon para pumarada si ‘Yaya Dub’, Maine Mendoza sa tunay na buhay, sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang sinabi ni Malou Choa-Fagar ng TAPE Inc., ang producer ng long-time no. 1 noontime show na Eat Bulaga, ukol sa interes ng Barangay Ginebra ni two-time Grand Slam coach Tim Cone at ng Mahindra (dating Kia) ni playing coach Manny Pacquiao na kunin si Mendoza bilang muse sa opening ceremony ng 41st season ng Philippine Basketball Association sa Oktubre 18 sa Big Dome.
Dinagsa ang social media ng kahilingan ng mga Ginebra fans na hiramin ang ‘Dubsmash Queen’ para maging muse.
“Siyempre, mas maganda kung makukuha namin siya as muse kasi maraming tao ang natutuwa sa kanya,” sabi ni Gin Kings’ point guard LA Tenorio sa 20-anyos na tubong Sta. Maria, Bulacan.
Kung sakali sana ay si Tenorio ang makakatambal ni Mendoza sa pagparada sa PBA opening.
Inamin naman ni Pacquiao na palagi niyang napapanood si Mendoza, kumuha ng kursong Culinary Arts sa College o St. Benilde, sa telebisyon.
“Napapanood ko ‘yung Aldub, masaya,” sabi ng Filipino world eight-division champion sa tambalan nina Mendoza at actor Alden Richards sa ‘Kalyeserye;’ ng Eat Bulaga.