MANILA, Philippines - Tinitingnan ng Los Angeles Lakers ang posibilidad sa pagkuha kay free agent forward Metta World Peace para sa one-year contract, ayon sa sources ng Yahoo Sports.
Wala pang napapagkasunduan ngunit nag-uusap na ang Lakers at mga representative ni World Peace, sabi pa ng sources.
May mga gusto pero may mga ayaw sa Lakers organization na ibalik si World Peace sa franchise sa edad na 35-gulang pero ang idea ay galing kay Lakers star Kobe Bryant, sabi pa ng mga sources.
Si World Peace ay laging nasa practice faci-lity ng Lakers ngayong offseason at lumalaro laban sa mga players ng team kabilang si 2014 first-round pick Julius Randle, sabi pa ng impormante.
Wala na si World Peace sa NBA sapul nang ini-waive siya ng New York Knicks noong 2013-14 season. Lumaro siya noong nakaraang season sa China at Italy.