MANILA, Philippines - Naramdaman ni LeBron James na malaki ang kanyang maitutulong para tumibay ang pangarap ng mga batang basketbolista na bahagi ng Nike Rise reality basketball program.
Panandaliang hinarap ni James ang mga mamamahayag sa press conference sa Nike House of Rise sa Mandaluyong at inihalimbawa ang sarili noong siya ay nagsisimula sa mga batang haharapin.
“I know what the kids are going through. I can relate to them,” wika ni James. “I was a kid that believed I could make my dream become a rea-lity. I’m a kid who took a lot of hard work and sacrifice and a lot of love to the game.”
Ito ang ikalawang pagkakataon na nasa bansa ang NBA star na ngayon ay naglalaro uli sa Cleveland Cavaliers na nag-runner-up sa kampeong Golden State Warriors sa nagdaang NBA season.
Ang una ay nangyari noong 2013 at nagtiyaga ang kanyang mga panatiko para sagupain ang mahabang pila makita lamang siya.
Inimbitahan siya uli upang tumayo bilang mentor ng finalists sa Nike Rise search kagabi sa Mall of Asia Arena.
Alam niya na maha-laga ang tamang pagtuturo pero mas maganda at kapaki-pakinabang sa mga batang basketbolista ang magkaroon ng inspirasyon para maabot ang kanilang pangarap.
“More than teaching skill set comes the inspiration behind it. I’ll tell the story and use it to better themselves. That ‘s more important,” sabi pa ni James.
Kasabay nito ay pinasalamatan uli niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Filipino.
“I’m excited to be back with Filipino fans once again. You’ve welcomed me with open arms. It’s been great,” pasasalamat nito.
Hindi naman malilimitahan sa Nike Rise ang pagkakaabalahan ni James dahil ngayon ay tutungo siya sa Tenement sa Taguig para makisa-lamuha at posibleng ma-kipaglaro sa piling ka-bataan.