Santos, Cabagnot 3 years pa sa SMBeer

MANILA, Philippines – Binigyan sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng three-year contract-extension deal na nagkakahalaga ng P15.1 million matapos ang malaking tulong na ibi-nigay sa dalawang championship run ng San Miguel Beer sa PBA Season 40.

Pumirma rin sina Dondon Hontiveros ng Alaska Milk at Ian Sangalang  ng Star Hotshots ng malalaking kontrata bago ang PBA Rookie Draft.

Si Hontiveros, 38-gulang ay nakakuha pa rin ng maximum deal para sa PBA Season 41 na nagkakahalaga ng P420,000 a month o P5.04 million.

Ang iba pang pumirma ng kontrata na nagkakahalaga ng P300,000 a month ay sina Vic Manuel (two years) sa Alaska Milk at Willy Wilson (one year) sa Barako Bull. Binigyan naman si Dave Marcelo, former NCAA MVP awardee ng Barangay Ginebra ng extension contract para sa P200,000-monthly na sahod.

Halos ganito rin ang sasahurin ni Josh Urbiztondo, Nico Salva at Justin Chua sa Ginebra, Barako Bull at Meralco, ayon sa pagkakasunod.

Sa Kia, pumirma din sina LA Revilla at Mark Yee ng kontratang magpapasahod sa kanila ng halos  P100,000 a month pero may kasamang kotse at condominium unit bilang signing bonus. (NB)

Show comments