PBA D-League sa Luzon, Visayas at Mindanao

TOKYO – Plano ng Philippine Basketball Association na palawigin ang Developmental League or D-League sa pamamagitan ng pagdaraos ng torneo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Magtatakda ang D-League ng pilot tourney sa Laoag sa susunod na taon para sa Luzon chapter kasunod ang magkahiwalay na D-League tourneys sa Cebu para sa Visayas at sa Davao para sa Mindanao.

Ang mga torneong ito ang maaaring magresulta sa iisang national championship na lalahukan ng mga koponan sa Manila.

Ang mga D-League teams sa kasalukuyan ay ang Café France, Tanduay, Cebuana Lhuillier, Jumbo Plastic, KeraMix, AMA Computer University, MP Hotel-Letran, Hapee at LiverMarin-San Sebastian.

Higit sa 20 koponan na ang naglaro sa D-League kagaya ng da-ting kampeong NLEX at Blackwater na umakyat sa PBA.

Ilan sa mga dating sumali sa D-League ay ang Max Bond, Pharex, Freego Jeans, Dub Unlimited Wheelers, Junior Powerade, PC Gilmore, RnW Pacific Pipes, Erase XFoliant, Informatics, Fruitas, EA Regen Med, Banco De Oro, Hog’s Breath Café, Derulo Accelero, Big Chill, Wang’s, MJM Builders, Bread Story at Cagayan Valley.

Balak din ng PBA na magkaroon ng hiwalay na women’s league bilang bahagi ng extensive long-term program ng liga.

Ang D-League ay may mahalagang role sa development ng Filipino players bilang tulad ng mga grumadweyt ng college patungong proffessional basketball.

Ang  Women’s D-League naman ay inaasahang magiging venue para sa mga women’s players para pag-ibayuhin ang kanilang skills pagkatapos ng kanilang collegiate stints.

Maaari rin itong ma-ging  training ground para sa women’s national team  na ngayon ay sinusuportahan ng Ever Bilena (Blackwater). (NB)

Show comments