Mills handa nang maglaro; Dragic binitawan ng Celtics

MELBOURNE, Aus­tralia -- Hindi na makakaapekto kay San Antonio Spurs point guard Patty Mills ang kanyang shoulder injury sa paglalaro niya para sa Australia sa kanilang Olympic qualifying series laban sa New Zealand.

Maglalaro si Mills para sa warm-up series ng Australia sa Europe kasabay ng pagpapagaling sa kanyang injury sa Los Angeles.

Nakatanggap siya ng tawag mula sa Australia team nang magkaroon si NBA player Dante Exum ng knee injury.

“If I wasn’t in a position to play, then I don’t think I’d be here. I have full confidence in my shoulder, my condition and my ability at the moment,’’ sabi ni Mills sa kanyang kasalukuyang kondisyon.

Lalabanan ng Australia ang New Zealand sa Agosto 15 at 18.

Sa Boston, pinakawalan ng Boston Celtics si Zoran Dragic.

Ang 6-foot-5 guard-forward ay nakuha ng Celtics mula sa trade sa Miami Heat para sa isang second-round draft pick at cash.

Napanood si Dragic sa 16 games para sa Miami at Phoenix Suns sa nakaraang season.

Nagtala siya ng average na 1.8 points para sa Heat at Suns.

Show comments