Gilligan’s, SM By the Bay A kampeon sa Challenge Cup

MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang sunod na kabiguan ay nakabawi na rin si Danica Gendrauli kay Fiola Ce­bal­los.

Katulong si Norie Jane Diaz, tinalo ni Gendraulin ng Gilligan’s sina Ceballos at Patty Orendain ng Fo­ton Tornadoes, 19-21, 21-14, 15-11, para kunin ang korona ng PLDT Home Ultera Philippine Su­perliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More kahapon sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.

Ginawa ito ni Gendra­uli sa kabila ng pagka­ka­roon ng lagnat ilang araw bago ang finals ng tor­neong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay, Senoh at Maynilad.

Katuwang si national team skipper Jovelyn Gon­­zaga, binigo ni Ceballos si Gendrauli sa beach volley tournament sa Boracay noong 2012 at 2013.

Pinatumba ng Cignal HD Spikers B ang Foton Hurricane, 21-18, 21-18, para sa third place.

Sa men’s division, ti­na­lo nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ng SM By The Bay A sina Tippy Tipgos at Marjun Ali­ngasa ng Champion In­finity B, 21-17, 23-21, pa­ra sa titulo. (RC)

Show comments