URCC:Domination sa GMA-7 bukas

MANILA, Philippines - Humanda na sa matitinding bakbakan ng mga bigating MMA fighters sa URCC: Domination  na mapapanood sa GMA-7 bukas.

Para sa lightweight division, makikipagtunggali si Mark Palomar sa kapwa Pinoy niyang si Sam Mison.

Bagama’t may dugong dayuhan, patutunayan ng Fil-Swiss na si Chris Hoffman na isa siyang Pinoy sa kanyang pakiki-pagtagisan ng tapang kay Jeremias Tan sa light heavyweight division.

 Para naman sa bakanteng flyweight title, susubukang patumbahin ni Alvin “Sindikato” Ramirez ang pambato ng Japan na si Hideo Morikawa.

Sa main event, dedepensahan ng Pinoy MMA fighter na si Red Romero ang kanyang titulo bilang bantamweight champion laban kay Jian Kai Chee ng Malaysia.

Show comments