Bryant magreretiro sa China o Italy?

MANILA, Philippines - Sinabi ni Kobe Bryant na hindi pa niya alam kung kailan siya magre-retire.

Dahil isang taon na lang ang natitira sa kontrata ni Bryant, ang tanong naman ngayon ay kung saan siya magre-retire.

May mga usap-usapan na iiwan na ni Bryant ang Lakers sa  susunod na free agency. Posible itong mangyari pero malabong lumipat pa siya  ng ibang NBA team.

Posibleng tapusin ni Kobe ang kanyang career sa labas ng NBA na matagal na nilang iniisip ni Pau Gasol.

Sa question and answer kay Marc J. Spears ng Yahoo Sports, sinabi ni Bryant na posibleng mag-retire siya sa China kung saan sikat na sikat siya  o Italy kung saan siya lumaki.

“I can see myself doing that. I can see myself doing a lot of stuff. That’s a whole other question. I will make some decisions when I decide to hang it up,” pahayag ni Bryant.

Show comments