OAKLAND, Calif. – Nakuha ng Golden State si forward/center Jason Thompson mula sa Philadelphia 76ers kapalit ni forward Gerald Wallace, ang player na kakukuha lamang ng Warriors mula sa Boston sa David Lee deal, ayon sa pahayag ng team nitong Biyernes.
Sinabi ni Warriors ge-neral manager Bob Myers na malaking karagdagan si Thompson para ‘luma-lim ang bench’ ng team.
Ang 29-gulang na si Thompson ay lumaro ng 81 games noong nakaraang season at may 63 start para sa average ng 6.1 points at 6.5 rebounds sa 24.6 minutes.
Na-draft siya ng Sacramento Kings bilang 12th overall pick noong 2008 at na-trade sa Philadelphia kasama sina Carl Landry at Nik Stauskas noong July 9.
Sa Dallas, pinapirma ng Mavericks si free-agent forward Jeremy Evans nitong Biyernes.
Ang 2012 slam dunk champion sa All-Star weekend ay nag-average ng 3.7 points at 2.7 rebounds sa limang seasons sa Utah Jazz.
Sa Indianapolis, ina-resto ang bagito sa Indiana Pacers na si Jordan Hill malapit sa Atlanta sa kasong reckless driving and speeding matapos mahuli ng mga pulis na tumatakbo siya sa bilis na 107 mph sa 65 mph zone.
Sinabi ni Pacers President Larry Bird na naipagbigay-alam na sa kanila ang nangyari.