ACCEL Quantum-3xVI NCAA Press Corps Player of the Week Mark Cruz - Letran Knights

MANILA, Philippines – Pantay-pantay ang pagtrato ng Letran Knights sa kanilang mga kalaban sa 91st NCAA men’s basketball tournament.

Bilang patunay ay bitbit ngayon ng Knights ang liderato ng torneo mula sa malinis nilang 5-0 record.

“For me, lahat ng teams lumakas. Kahit sino ang makalaban namin, kailangan naming i-treat na ma-lakas sila,” sabi ni point guard Mark Cruz, ang isa sa mga dahilan ng pag-arangkada ng Letran.

Sa come-from-behind 82-76 win ng Knights laban sa San Sebastian Stags noong nakaraang Martes ay umiskor si Cruz ng 29 points na kinatampukan ng 6-of-15 shooting sa three-point line.

Nagtala din siya ng season-high na 7 steals.

Kumamada naman ang Letran point guard ng 15 points, kasama dito ang 3-of-5 clip sa 3-point range, para sa 77-71 panalo sa Perpetual Help noong Huwebes.

Dahil sa kanyang kabayanihan ay hinirang si Cruz na ACCEL Quantum at 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

Nagtala si Cruz ng mga averages na 17.6 points, 4.2 assists at 3.0 steals sa limang panalo ng Knights. (RC)

Show comments