MANILA, Philippines - Sinabi ni San Miguel Beer import Arizona Reid kahapon na binabawi na niya ang kanyang desisyong mag-retire pero sa PBA na lang siya lalaro at idinagdag niyang puwede rin siyang tumira dito sa Manila sa hinaharap.
“I’ve played all over the world and the best place is the Philippines by far,” pahayag ni Reid. “I love the fans, the Filipino people. I wouldn’t mind living in Manila permanently. I love the PBA, it’s a man’s league.”
Nauna nang inihayag ng 29-gulang na si Reid na magreretiro na siya pagkatapos ng nakaraang PBA Governors’ Cup pero matapos ihatid sa titulo ang Beermen, nagbago ang kanyang isip.
Nakatikim ng titulo si Reid sa kanyang ikalimang kumperensiya sa PBA.
Bagama’t nabigo siyang makopo ang Best import award na dalawang beses niyang nakuha sa paglalaro noon sa Rain or Shine, mas mahalaga sa kanya ang pagkapanalo ng San Miguel ng titulo.
Ayon kay Reid, alam niyang mahihirapan siyang makapaglaro sa NBA.
“I’m a 6-3 power forward with no chance to make it in the NBA because of my size,” aniya. “So I decided to play overseas and provide for my fa-mily. I didn’t think struggling financially while playing in the NBA D-League was a viable option because I could never play in the NBA anyway.”