Artista na talaga si LeBron

MANILA, Philippines - Mula sa isang matagumpay na feature-film debut sa Amy Schumer comedy na “Trainwreck,” inaasahang gagawa si NBA superstar LeBron James ng ilang big-screen appearances sa hinaharap.

Inihayag ng Warner Bros. Entertainment na nakipagkasundo na sila sa SpringHill Entertainment, ang production company na itinatag ng Cleveland Cavaliers superstar katuwang ang kanyang longtime business partner na si Mave-rick Carter para sa mga proyekto ng Warner Bros. kasama ang television, film at digital content kung saan makakasama ang NBA superstar.

Nauna nang napasama ang four-time NBA Most Valuable Player sa tatlong programa.

Ang mga ito ay ang “Survivor’s Remorse,” isang half-hour sitcom na kanilang hinubog ni Carter at ibinenta sa Starz at magbabalik para sa ikalawang season sa Aug. 22.

Ang ikalawa ay ang “Becoming,” isang half-hour series tungkol sa buhay ng ilang kila-lang atleta, katulong ang ESPN Films na ipapalabas sa Disney XD nga-yong taon.

Gagawa rin si James ng isang prime-time game show sa NBC.

Ang ikatlo ay ang “Uninterrupted,” ang straight-to-camera Bleacher Report digital video series kung saan ibibigay ni James kasama ang mga atletang sina Richard Sherman, Rob Gronkowski at Draymond Green sa mga fans ang “uncut, unedited version right then and there of what [their] thoughts are.”

Itinampok dito ang footage ng annual playoff social media blackout ni James.

Tumanggap si James ng mga positive reviews sa kanyang performance sa “Trainwreck,” na nagbukas bilang No. 3 sa box office noong nakaraang weekend sa likod ng mga pelikulang “Ant-Man” at “Minions.”

 

Show comments