PHOENIX – Sinabi ni Phoenix coach Jeff Hornacek na ang larong ito ay ‘must-win’ at nahirapan ang Oklahoma City Thunder sa intensidad ng Suns.
“Once they went up 20, we had to make a decision: Defend or go home,’’ sabi ni guard Russell Westbrook.
Kumolekta si Westbrook ng 33 points, 9 rebounds at 7 assists at bumangon ang Thunder mula sa 20-point deficit para balikan ang Suns, 109-97 sa pinakama-laking pagbangon ng prangkisa matapos lumipat sa Oklahoma.
“It was a huge game, and we played with a playoff mindset,’’ wika ni Westbrook, tumipa ng 10-of-29 fieldgoals at may 12-of -4 sa foul line sa loob ng 38 minuto.
Humugot naman si D.J. Augustin ng 13 sa kanyang 19 points sa fourth quarter para sa Thunder, tinapos ang four-game road skid, habang nagtala si Steven Adams ng 13 points at 16 rebounds.
Nagdagdag si guard Dion Waiters ng 18 points.
Lumamang ang Oklahoma City ng 2 1/2 games sa New Orleans para sa eighth at final playoff spot sa Western Conference.
Apat na laro naman ang agwat ng Suns at may walong laro na lamang sa regular season.
“I told the guys, this is mathematically not over,’’ wika ni Hornacek.
Tumipa si Markieff Morris ng 24 points para sa Suns, habang nagdagdag si rookie reserve T.J. Warren ng 18 points at may tig-15 points sina Eric Bledsoe at Marcus Morris.