Hawks naghahanda sa Playoffs

CHARLOTTEE – Ngayon pa lamang ay nag­hahanda na ang Atlanta Hawks para sa NBA Playoffs.

Sa katunayan ay pinahinga ng Hawks ang ka­nilang mga starters na sina DeMarre Carroll, Kyle Korver, Al Horford at Paul Millsap sa kanilang 100-115 kabiguan sa Hornets.

Si point guard Jeff Teague ay hindi naglaro dahil sa sprained ankle.

Natalo ang Atlanta sa kabila ng kanilang 15-of-30 shooting sa three-point range.

“Defensively was where there was the most slippage, but they played the way we want to play and did a lot of things,’’ sabi ni Hawsks coach Mike Budenholzer sa kanilang laro laban sa Charlotte.

Show comments