George umaasang makakabalik

INDIANAPOLIS – Umaasa pa rin si Paul George na makakabalik sa Indiana Pacers lineup nga­yong season.

Sinabi ng two-time All-Star forward matapos ang kanilang team practice na nararamdaman niyang maaari na siyang maglaro.

Hinihintay na lamang niya ang clearance mula sa medical staff ng Pacers bago gawin ang kanyang season debut.

Hindi pa naglalaro si George matapos ang kanyang broken right leg sa USA Basketball scrimmage.

Maaaring gahol na sa panahon ang pagbabalik ni George para sa Indiana na umaasahang makakapasok sa NBA playoffs.

Naipatalo ng Pacers ang pito sa kanilang huling walong laro.

Show comments