Llavore kumuha ng 2 titulo sa Globe netfest

MANILA, Philippines – Dinaig ni Janella Carmela Llavore ang kanyang dalawang kalaban para pitasin ang dalawang titulo sa third leg ng Globe 17th HEAD GRAPHENE XT Junior Tennis Satellite Circuit Cagayan De Oro City leg sa Nazareth Lawn Tennis Club sa Ca­ga­yan De Oro City.

Pinagretiro ni Llavore si Mary Aubrey Calma sa championship round, 6-1, para sikwatin ang 18-under girls singles title ng annual competition na inorganisa ng Dynamics Sports.

Pinigil naman ni Llavore ang two-leg title streak ni Patricia Velez sa girls’ 16-under singles class nang magtala ng 6-4, 7-6 panalo.

Show comments