MANILA, Philippines - Ibinalik ng Cebuana Lhuillier Gems sa lupa ang matayog na paglipad ng KeraMix Mixers sa pamamagitan ng 95-88 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Tumapos sina Moala Tautuaa at Simon Enciso ng tig-24 puntos at sila ay nagsalitan sa pagpuntos para madomina nila ang Mixers mula simula hanggang matapos ang bakbakan.
May 19 puntos ang 6’7” rookie na si Tautuaa sa first half para bitbitin ang Gems sa 30-puntos kalamangan sa halftme, 55-25.
Limang puntos na lamang ang ginawa ni Tautuaa pero naroroon sina Enciso, Paul Zamar at Allan Mangahas upang ibigay sa tropa ni coach David Zamar ng ikatlong sunod na panalo.
May pitong triples si Enciso habang nagsanib sa 24 puntos ang mga guards na sina Zamar at Mangahas.
“We had a strong start but we were inconsistent in the second half. For us to be a contender, we need to be consistent,” wika ni Zamar.
Ito ang unang pagkatalo matapos ang dalawang tambakang panalo ng Mixers at si Keith Agovida ang nanguna sa koponan sa kanyang 19 puntos.
Tinapos naman ng MP Hotel Warriors ang dalawang masasakit na talo nang lusutan ang Cagayan Valley Rising Suns, 107-106 sa isa pang laro.
May 17 puntos si Rey Nambatac at naipasok niya ang 3-pointer sabay tunog ng final buzzer para sa unang panalo ng koponan.
“I thought the players showed character,” wika ni Warriors coach Jose Luis Gonzales.
Bumaba ang Rising Suns sa 1-1 at hindi nila napangatawanan ang pag-layo ng hanggang 16 puntos, 70-54, sa ikatlong yugto. (AT)
Cebuana Lhuillier 95 – Tautuaa 24, Enciso 24, Zamar 13, A. Mangahas 11, Torres 8, Acibar 6, Corpuz 5, Vosotros 4, J. Mangahas 0, Bautista 0, Lopez 0, Sarangay 0, Marata 0.
Kera Mix 88 – Agovida 19, Jalalon 14, Gil 10, Saitanan 10, Gabawan 7, Digregorio 7, Viernes 6, Parala 6, Canta 5, Bartolo 2, Ruaya 2, Jamito 0, Robles 0, Sinco 0.
Quarterscores: 23-11; 55-25; 85-58; 95-88.
MP Hotel 107 – Custodio 27, Quinto 19, Nambatac 17, Acidre 16, Masaglang 12, Mendoza 6, Calvo 6, Colina 2, Escosio 2, Magat 0, Jur Lub 0.
Cagayan Valley 106 – Melano 21, Mabulac 21, Galliguez 21, Celada 14, Trollano 13, Austria 7, Tayongtong 4, Rogado 3, Dilay 2, Flores 0, Santos 0, Arquero 0.
Quarterscores: 17-26; 42-48; 80-82; 107-106.