MANILA, Philippines – Nakamit na ng Elasto Painters at ng Rain Or Talk ‘N Text ang inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive matapos pabagsakin ang magkahiwalay na kalaban sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsalpak ang Rain or Shine ng kabuuang 15 three-point shots para sa 119-99 panalo kontra sa Kia na kanilang pa-ngatlong sunod na panalo kasabay ng pagpapalasap sa Sorento ng ikalawang dikit nitong kabiguan.
Pinigilan naman ng Talk ‘N Text ang pagba-ngon ng Alaska sa final canto mula sa 25-point deficit para kunin ang 101-93 panalo at ibulsa ang No. 2 slot kasama ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.
Bunga superior quotient ng Elasto Painters kontra sa nagdedepensang Purefoods Hotshots ay nakamit nila ang No. 1 ticket sa quarterfinals bagama’t nagtabla sila sa 8-3.
“Going forward, we’ll watch the remaining games and start preparations for the playoffs,” sabi ni head coach Yeng Guiao.
Nagposte ang Rain or Shine ng 27-point lead, 71-44 sa huling minuto ng second period hanggang makalapit ang Kia sa 88-96 agwat sa 8:32 minuto ng fourth quarter.
Isang 23-7 bomba ang inihulog ng Rain or Shine para muling iwanan ang Kia sa 119-95 sa huling 1:13 minuto ng laro.
Nakasagutan pa ni Aces forward Calvin Abueva si coach Alex Compton habang papalabas ng court.matapos makaasaran si Johnson.
RAIN OR SHINE 119 – Chism 28, Almazan 16, Lee 14, Tiu 13, Arana 13, Norwood 10, Belga 8, Tang 7, Cruz Jericho 4, Chan 4, Quinahan 2, Uyloan 0, Ibanes 0, Teng 0.
Kia 99 - Ramos 45, Revilla 15, Dehesa 10, Cervantes 9, Ighalo 8, Cawaling 2, Thiele 2, Alvarez 2, Pascual 2, Yee 2, Avenido 2, Buensuceso 0, Bartolo 0.
Quarterscores: 30-26; 71-46; 92-80; 119-99.
TALK ‘N TEXT 101 – Johnson 47, De Ocampo 20, Castro 10, Washington 8, Fonacier 7, Rosser 7, Alas 2, Aban 0.
Alaska 93 – James 23, Abueva 16, Hontiveros 11, Baguio 10, Casio 10, Jazul 9, Manuel 6, Exciminiano 4, Banchero 2, Thoss 2, Menk 0.
Quarterscores: 27-25; 48-31; 74-56; 101-93.