MANILA, Philippines – Naghirang ang Asso-ciation of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ng 18 candidates para punan ang anim at apat na male at female slots sa Southeast Asian (SEA) Games sa Singapore sa June 5-16.
Walo sa nasabing 18 nominees ay kumuha ng medalya sa nakaraang SEA Games sa Myanmar noong 2013 ngunit wala sa lista-han sina London Olympian Mark Anthony Barriga at 2014 Asian Games silver medalist Charly Suarez.
Sina Barriga at Suarez ay pinagbawalan ng AIBA (International Boxing Association) na lumahok sa Singapore SEA Games dahil sila ay kasama sa top eight sa kanilang mga weight divisions at ku-walipikadong sumabak sa APB (AIBA Pro Boxing) para sa tsansang makasali sa 2016 Olympics.
Sinabi ni ABAP exe-cutive director Ed Picson na sa kabila ng pagkawala nina Barriga at Suarez sa delegasyon sa Singapore ay malakas pa rin ang tsansa ng Philippine team na makakuha ng gintong medalya sa 2015 SEA Games.
Sa SEA Games sa Myanmar ay kumolekta ang mga boksingero ng tatlong gold, apat na silver at tatlong bronze medals.
Sa SEA Games ay nilimitahan sa anim na male at apat na female fighters ang mga lahok ng bawat bansa.
Nagsumite ang ABAP ng 18 pangalan, kasama ang limang females, sa POC at PSC para sa accreditation.
Ito ay magiging 10 sa Abril o Mayo.
Irerekomenda ni head coach Pat Gaspi ang final roster kina ABAP chairman Manny V. Pangilinan, president Ricky Vargas, secretary-general Patrick Gregorio at Picson.
Ang mga kandidato sa men’s team ay sina lightflyweights Aldren Moreno at Rogen Ladon, flyweights Ian Clark Bautista at Roldan Boncales, bantamweights Mario Fernandez at Jonas Bacho, lightweights Junel Cantancio at James Palicte, light welterweights Dennis Galvan at Mico Magliquian, welterweights Eumir Marcial at Joel Bacho at middleweight Wilfred Lopez.
Para sa women’s team, ang mga kandidato ay sina lightflyweights Josie Gabuco at Maricris Igram, flyweight Irish Magno, bantamweight Riza Pasuit at featherweight Nesthy Petecio.