Filipino Davis Cuppers dinomina ang Sri Lankans

MANILA, Philippines – Tiniyak nina Fil-Am Treat Huey at Francis Ca­sey Alcantara na mananatili ang Pilipinas sa Group II ng Davis Cup Asia Oceania Zone.

Ito ay matapos umiskor sina Huey at Alcantara ng 3-6, 6-3, 6-2, 6-4 panalo laban kina Sharmal Dissanayake at Dinesh­kan­­than Thangarajah ng Sri Lanka sa doubles match  kahapon sa Valle Verde Golf and Country Club sa Pa­sig City.

Matapos isuko ang first set ay kumamada si­na Huey at Alcantara sa second set para ibigay sa bansa ang pang-siyam na sunod na panalo kontra sa Sri Lanka sa kanilang head-to-head.

Ipinoste ng mga Filipi­no Davis Cuppers ang 3-0 bentahe sa kanilang best-of-five tie ng mga Sri Lankans matapos kunin ang naunang dalawang la­ro sa singles.

“To their credit, they (Dissanayake at Thangarajah) played really well in the first set while we’re a little tight,” sabi ni Alcantara, athletic scholar sa Pepperdine University.

Ang tambalan nila ni Huey ay may 3-0 karta sa Davis Cup.

“Thankfully, we found our rhythm in time,” dagdag ng netter na umiskor ng 5-7, 3-6, 6-4, 6-0, 6-3 panalo kay Harshana Godamanna sa unang singles noong Biyernes.

Tinalo naman ni Fil-Am Ruben Gonzales si harmal Dissanayake, 6-3, 6-2, 6-1, sa ikalawang singles match.

May pagkakataon ang Pilipinas na makabalik sa Group 1 sa kanilang pagsagupa sa mananalo sa Chi­nese-Taipei at Lebanon sa semifinals sa dara­ting na Hul­yo.

Show comments