TORONTO -- Gumanti si LeBron James sa scoreboard matapos siyang pabagsakin ni Jonas Valanciunas nang suma-laksak siya sa third quarter.
Humugot si James ng 14 sa kanyang 29 points sa fourth period at pinantayan ang kanyang season high na 14 assists para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 120-112 panalo laban sa Toronto Raptors.
Tinawagan si Valanciunas ng flagrant-1 foul matapos niyang patumbahin si James sa harap ng 19,800 crowd.
“The game is more important than trying to deliver a hard foul,’’ sabi ni James, nauna nang nasipa sa maselang bahagi ng kanyang katawan ni James Harden ng Houston Rockets noong Linggo. “It’s the old elementary school house rule that the second guy always gets caught. You just relax and play the game.’’
Inisnab ni James si Valanciunas nang alukin siya nitong tumayo.
“Why would I need his help (getting) up?’’ tanong ni James. “My teammates will come get me. That’s all that matters.’’
Ang naturang foul ay itinaas sa flagrant matapos ang video review.
“I wasn’t trying to hurt him, I was just trying to stop him from dunking the ball,’’ wika naman ni Valanciunas.
Tumapos si James na may 4 rebounds para tulungan ang Cleveland sa panalo sa kanilang season series ng Raptors.
“That could be a factor, the way the East is shaping up,’’ wika ni Ca-valiers coach David Blatt na tinawag ang panalo na “extremely important.’’
Halos tumabla ang Cleveland (39-24) sa Toronto (38-23) at sa Chicago (38-23) para sa second place sa East sa ilalim ng Atlanta.
Umiskor si Kyrie Irving ng 26 points para sa Cleveland, habang nag-dagdag si Kevin Love ng 22 points at 10 rebounds at tumipa si J.R. Smith ng 15 points kasunod ang 14 ni James Jones para sa ikalawang sunod na panalo ng Cavaliers.
Naglista naman si Valanciunas ng 26 points at 11 rebounds sa panig ng Toronto, nakakuha kay Lou Williams ng 21 sa 26 points nito sa fourth quarter at nagposte si DeMar DeRozan ng 25 points.