MANILA, Philippines – Sumailalim si Oklahoma City guard Russell Westbrook sa operasyon upang ayusin ang kanyang nabaling buto sa pisngi at hindi siya makakalaro sa susunod na game ng Thunder, ayon sa pahayag ng team nitong Sabado.
Natuhod si Westbrook sa mukha noong Biyernes kontra sa Portland at di rin makakalaro sa laban kontra sa Los Angeles Lakers nitong Linggo.
Wala sa timing ang operasyon dahil mainit si Westbrook noong February sa kanyang average na 31.2 points, 10.3 assists at 9.1 rebounds.
Dahil wala rin si reigning MVP Kevin Durant sa Oklahoma City lineup dahil sa injury, si Westbrook ang nagdadala ng team.
Ang 26-year-old ang napiling MVP sa nakaraang NBA All Star Game at nababanggit ang kanyang pangalan para sa MVP ng season.
Si Westbrook ay nag-a-average ng 26.5 points, 8.1 assists at 6.8 rebounds para sa Thunder, na kasalukuyang nasa eighth at final playoff spot sa Western Conference.