Durant inoperahan sa kanang paa

OKLAHOMA CITY – Inoperahan si Kevin Durant noong Linggo para mawala ang pananakit sa kanang paa at inaasahan ng Oklahoma City Thunder na makakabalik pa siya ngayong regular season.

Pinalitan ang tornilyo sa inoperahan sa kanya noong Oktubre nang mabalian siya ng buto sa kanang paa.

Sinabi ni Thunder general manager Sam Presti na ie-evaluate pa si Durant ngayong linggo.

Sinabi ni Presti na ang ulo ng tornilyo ay tumatama sa cuboid bone sa paa na iniinda ni Durant.

Ang bagong screw ay wala nang ulo kaya hindi na ito makakaapekto sa long-term prognosis.

Lumaro lamang si Durant ng 27 games ngayong season sa mga kadahilanang nabaling buto sa paa, sprained right ankle at napuwersang hinlalaki sa paa.

Show comments