Lapaza handa nang magdepensa ng Ronda crown

MANILA, Philippines - Aminado si Reimon La­paza ng Butuan City na mahihirapan siyang ide­pensa ang kanyang ko­ronang napanalunan no­ong nakaraang taon sa Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC.

Ilan sa mga binanggit ni Lapaza na magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo ay sina Mark Ga­ledo, 2012 Ronda champion Irish Valen­zu­e­la, 2011 inaugural winner Santy Barnachea at 2014 Luzon qualifier tit­list Ronald Oranza.

Kaya naman noong na­karaang taon ay sini­mulan na ng 29-anyos na kampeon ang kanyang paghahanda.

“Naghahanda na ako last year pa at gusto ko ta­lagang maidepensa ang ko­rona ko,” wika ni La­­pa­za.

Pakakawalan ang championhip round ng Ronda sa Linggo sa Pa­seo Greenfield City sa Sta. Rosa, Laguna.

Isang come-from-be­hind win ang ginawa ni La­paza para talunin si Galedo noong 2014.

Bukod kay Galedo, binanggit rin ni Lapa­za na dapat tutukan sa karera ay ang mga mi­yembro ng national team at Army, 7-Eleven at ang Navy-Standard In­surance riders.

Sinabi ni Lapaza na iaalay niya ang kanyang kampanya para sa namayapa niyang kaibigan at kakamping si Vic­mar Vicente, namatay sa road accident sa Da­vao noong Mayo ng 2014.

Makakasama ni La­paza sina Galedo, Barnachea Valenzuela, Oranza, ang national team, ang composite Eu­ropean squad at halos 70-plus riders mula sa Lu­zon at Visayas qualifying legs.

Kasama dito si Boots Ryan Cayubit ng 7-Eleven na naghari sa Visayas leg.

Matapos ang three-day break ay magpapa­tuloy ang karera sa pa­mamagitan ng 60-km cri­terium sa Greenfield Ci­ty sa umaga at 120.5-km lap mula sa Calamba hanggang Quezon Na­tio­nal Park o Tatlong Eme (Three Ms) o Bitukang Manok (Chicken In­testine) sa Atimonan, Que­zon kinahapunan.

Buhat sa Atimonan ay magtutungo ang Ronda sa Lucena, Antipolo, Malolos, Tarlac, Dagupan at sa Baguio.

Show comments