MANILA, Philippines – Magtatagisan ng galing ang mga bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan sa taunang bancathon na tampok sa 2015 Manila Bay Seaports Festival sa Marso 14 at 15 sa Baywalk, Roxas Boulevard.
Matutunghayan din ang pagtutunggali ng mga koponan sa dragon boat competition na inaasahang sasalihan ng mga beteranong Olympian at mga nagwagi sa Southeast Asian Games.
Hatid ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seaports Festival ay inaasahang dudumugin ng mga manonood.
Magsisimula ang mga kerara sa ganap na alas-8 ng umaga. First-come, first-served ang pagpaparehistro sa Pebrero 16. Para sa iba pang detalye ay maaaring tumawag sa 0921-7236658.