Rondo hindi pa makakalaro

DALLAS -- Hindi pa makakabalik sa laro si Rajon Rondo bago ang 2015 NBA All-Star break dahil magpapagaling pa ang Dallas point guard ng kan­yang eye injury.

Nabalian si Rondo ng orbital bone sa kanyang kaliwang mata.

Sinabi ng Mavericks na hindi makakalaro si Rondo sa huling tatlong asignatura ng koponan ba­go ang NBA All-Star break.

Hindi makikita si Ron­do sa mga laro ng Dal­las laban sa Portland Trail Blazers, Los An­ge­les Clippers at Utah Jazz.

Nabalian din si Ron­do ng ilong nang ma­luhuran ang kakamping si Richard Jefferson ma­­karaang mapatid kay El­frid Payton ng Orlando Magic noong Enero 31.

Sa 21 laro matapos dal­hin sa Dallas mula sa Boston dahil sa trade ay nagtala si Rondo ng mga ave­rages na 9.2 points at 6.5 assists per game.

 

Show comments