MANILA, Philippines - Nakapanilat ang Apo Express nang nakitaan ito ng pagkaripas ng takbo sa far turn noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Si Dominador Borbe Jr. ang siyang sumakay sa Apo Express na unang
sinundan ang malakas na ayre na ipinakita ng Chairn Smoker at Mindful Minstrel sa pagbubukas ng aparato. Lumayo ang dalawang kabayo ng halos apat na dipa sa Apo Express pero napagod din ang mga ito habang nag-init ang nasa likod na katunggali.
Nailusot pa ni Borbe ang sakay na kabayo sa pagitan ng dalawang nasa unahan para kunin na ang balya bago ipinagpatuloy ang malakas na pagdating at mainsantabi ang pagremate ng Diamond Lover. Ang Diamond Lover na sakay ni JL Lazaro ay tumakbo kasama ang coupled entry na Be Cool ni MS Lambojo at ang mga ito ang siyang paborito sa mga
naglaban.
Tila nahuli lamang ang bitaw sa coupled entries dahil ang Be Cool pa ang siyang pumangatlo sa datingan. Ang winning time ay 1:38.6 sa 1500-metro karera at napasaya ng panalo
ng Apo Express ang mga dehadista dahil pumalo sa P82.50 ang win habang P176.50 ang ibinigay sa 5-9 forecast. Nagpakita rin ng magandang laban ang Tejeros na nanalo sa 3YO Maiden C
sa 1,300m karera.
Ang kabayong sakay ni Jessie Guce ang inasahan na babandera ngunit walang nakahabol sa matulin na takbo ng tatlong taon na colt na anak
ng premyadong kabayo na Real Spicy sa Negligee.
Halos anim na dipa ang layo ng Tejeros sa second choice na Jenz Slasher sa pagdadala ni JA Guce habang ang paborito na A Thousand Years ni Pat Dilema ang pumangatlo.
May P21.00 ang ibinigay sa win habang P58.50 ang ipinasok ng 3-5 forecast.
Ang iba pang nanalo ay ang mga kabayong Chikks To Chikks sa race one, Si Senor sa race two, Right As Rain sa race four, Psst Taxi sa race
five, Gonzee’s Song sa race seven at Miss Manuguit sa race eight.