MANILA, Philippines - Muling babandera ang multi-awarded triathlon world champion na si Chris ‘Macca’ McCormack sa nalalapit na 2015 Yellow Cab Challenge Philippines sa Subic hanggang Bataan sa darating na Pebrero 21.
Pangungunahan ni McCormack ang men’s world class Pro field kasama sina Challenge Atlantic City winner Fredrik Croneborg ng Sweden at ang second place finisher sa nakaraang Challenge Philippines na si Michael Murphy ng Australia.
Inaasahan ding magpapakitang gilas ang da-ting cycling Pro na si Domenico Passuello ng Ital-ya sa Challenge Rimini at Challenge Sardinia na katatampukan ang naturang torneo ng matatarik na bike course.
Ilan pa sa mga lalahok ay ang mga beteranong sina Brian Fleischmann, Rasmus Petraeus, Eric Watson at Christoph Schlagbauer na pawang unang beses pa lamang sasali sa Pilipinas.
“Many of the world’s best have claimed that Challenge Philippines Subic-Bataan is the toughest half distance race in Asia! No doubt this old school course will put you to the test, but it is still achievable and breathtakingly beautiful,” ani Dave Voth, Leverage Sports Asia CEO at Chairman ng Challenge Philippines Subic-Bataan.