Purefoods makikisosyo

MANILA, Philippines - Habang hindi pa pa­milyar si import Daniel Or­ton sa kanyang mga ka­kampi ay si Best Import Marqus Blakely muna ang muling gagamitin ni head coach Tim Cone.

Muling ipaparada ng nag­dedepensang Purefoods ang 6-foot-4 na si Blakely sa kanilang pag­sa­gupa sa Blackwater nga­yong alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Colise­um.

Kararating lamang ng 6’9 na si Orton, nag-laro sa NBA para sa Oklahoma City Thunder at Washing­ton Wizards, mula sa Chi­na.

Sa pangunguna ni Blakely ay pinatumba ng Hot­shots ang Batang Pier, 83-70 at ang Alaska Aces, 108-88 para sa kanilang 2-0 panimula.

“For the first time in a long time, we seem ready to start a conference,” wi­ka ni Cone.

Itatapat naman ng Blackwater kay Blakely si naturalized center Marcus Douthit, tumipa ng 14 points sa 78-88 pagkatalo ng Elite sa Talk ‘N Text no­ong nakaraang Sabado sa Biñan, Laguna.

Ang 6’11 na si Douthit ay kinuha ni mentor Leo Isaac matapos magkaroon ng hamstring injury si 6’9 import Chris Charles sa ka­nilang tune-up game.

Sa unang laro ay pu­puntiryahin ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Globalport sa alas-4:15 ng hapon.

Nanggaling ang Elasto Painters sa 96-91 panalo kontra sa NLEX Road Warriors kung saan ku­mo­lekta si import Rick Jackson ng 17 points, 20 re­bounds, 5 assists at 4 shotblocks.

“He’ll continue to play for us as long as we’re winning and we’re ha­ving the kind of games he’s providing us, exactly the kind of things we need in a big man,” ani coach Yeng Guiao sa 6’9 na si Jackson.

Show comments