Nieto hihiranging MVP ng UAAP Jrs.

MANILA, Philippines – Nakatakdang hirangin si Mike Nie­to ng Ateneo Blue Eaglets bilang Most Valuable Player ng 77th UAAP juniors basketball tournament.

Matapos ang 14 laro, si Nieto ay naglista ng 75 Total Statistical Points.

Si Nieto ay nakasosyo sa unang puwesto sa sco­ring kasama si Aljun Melecio ng La Salle Zobel sa kanyang 16.4 points per game bukod sa paggi­ging ikalawa kay National Uni­versity Bull­pups Mark Dyke sa re­bounding sa kan­yang 11.9 boards ave­rage.

Ang kamador ng NU na si Dyke na may 13.4 points average para pu­mang-anim sa kategorya at pumangalawa sa MVP race sa kanyang 65.8572.

Ang kakambal ni Nieto na si Matt ay nasa ikatlo sa MVP race bitbit ang 64 TSP.

Ang Ateneo ay nasa UA­AP Finals at bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advan­tage sa makakala­ban na mula sa step-ladder se­mifinals.

Bago maganap ang step-ladder ay magkikita muna ngayon ang NU at Adamson sa isang playoff para sa No. 2 seeding.

Ang Bullpups, Baby Falcons at La Salle-Zobel ay magkakasalo sa ikala­wa hanggang ikaapat na puwesto.

Show comments