MANILA, Philippines - Dumating na lahat ang 13 foreign teams sa Bala-nga, Bataan kahapon dalawang araw bago ang 2015 Le Tour de Filipinas na magdiriwang ng ika-60 taon ng multi-stage road cycling sa bansa.
“The enthusiasm of the foreigners in racing on Phi-lippine soil was very evident as the teams which arrived before lunch in Balanga hit the road immediately and shook off the rust from their travel,” sabi ni Donna Lina-Flavier, presidente ng nag-organisang Ube Media Inc.
Makakasama ng mga foreigners ang dalawang local squads na Philippine National Men’s Team ng PhilCycling at continental team 7-Eleven Road Bike Philippines sa four-stage International Cycling Union Asia Tour race na inihahandog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation at Smart.
Pakakawalan bukas ang Stage One ng event na itinataguyod ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang mga road partners sa Ba-langa sa distansyang 126 kilometro.
Sa Lunes ay aakyat ang Le Tour de Filipinas sa Iba, Zambales para sa 153.75-km Stage Two kasunod ang 149.34-km Iba patungong Lingayen, Pangasinan para sa Stage Three sa Martes at ang Stage Four sa Baguio City sa harap ng Baguio City Convention Center sa distansyang 101-km via Kennon Road.
Idedepensa ni Philippine No. 1 road racer Mark John Lexer Galedo ang kanyang general classification title suot ang national team colors.
Ang mga foreign teams na makikita sa karerang suportado ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon ay ang Team Novo Nordisk (USA), RTS Santic Racing Team (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Singha Infinite Cycling Team (Thailand), Navitas Satalyst Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Pishgaman Yzad Pro Cycling Team (Iran), Tabriz Petrochemical Team (Iran) at mga national teams ng Uzbekistan at Kazakhstan.