MANILA, Philippines - Kung matutuloy ang inaabangang super fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ay mismong kay Mayweather manggagaling ang announcement.
Ayon sa report ni Yahoo! Sports’ Kevin Iole, sinabi ng adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz na pumayag na ang Filipino icon sa lahat ng kondis-yon ni Mayweather para mangyari ang kanilang megabuck showdown.
Kasama rito ang kanyang pananahimik at pagpapaubaya kay Mayweather na siyang gumawa ng pag-aanunsiyo ng kanilang laban.
“We’re treating him [Mayweather] as the A side in this because we just want to get it done and we want to give the fans what they’ve been asking for, for years,” sabi ni Koncz kay Iole.
Nagkita sina Mayweather at Pacquiao sa halftime ng NBA game sa pagitan ng Miami Heat at ng Milwaukee Bucks noong Miyerkules.
Matapos makipagpalitan ng phone number kay Pacquiao ay nagtungo si Mayweather sa hotel suite ng fighting congressman sa Miami para plantsahin ang detalye ng kanilang upakan.
Kung mapapanalisa ang laban ito ay idaraos sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Pumayag na si Pacquiao sa 60-40 purse split pabor kay Mayweather at sinabi ni Koncz na wala nang makakapigil sa laban maliban sa dalawang superstars.
“Nobody can stop this. I can’t stop it. Bob can’t stop it. HBO can’t stop it. Showtime can’t. [Mayweather adviser] Al [Haymon] can’t. The only ones who can stop it are Floyd and Manny, and right now, they’re both saying they want the fight,” ani Koncz.