EL SEGUNDO, Calif. -- Sasailaim si Kobe Bryant sa isang surgery nitong Miyerkules para sa kanyang torn right rotator cuff na maaaring tumapos ng kanyang 19 season sa Los Angeles Lakers.
Lumubha ang pananakit ng balikat ni Bryant nang mag-dunk sa kanilang laro ng New Orleans Pelicans noong nakaraang linggo.
Nagdesisyon ang star guard at ang Lakers na magsagawa ng surgery kay Bryant na inaasahang magpapaupo sa kanya ng ilang buwan.
Ihahayag ng Lakers kung kailan makakabalik si Bryant matapos ang surgery, ngunit nangangamba si coach Byron Scott na baka ‘di na makalaro ang third-leading scorer sa NBA history sa kabuuan ng season.
“Kobe is probably not going to play’ again this season,” wika ni Scott kay Bryant. “We all know how tough he is. He’s a trooper, so we pray for him that his return will be sooner rather than later.’’
Ang torn rotator cuff ng 36-anyos na si Bryant ang maaaring ikatlo niyang sunod na season-ending injury.
Hindi siya nakalaro noong 2013 playoffs dahil sa torn Achilles tendon at nakita lamang sa anim na laro ng season bago mabalian ng buto sa kanyang kaliwang tuhod.
Nakipagkita si Bryant kay Neal ElAttrache ng Kerlan Jobe Orthopaedic Clinic noong Lunes para malaman kung gaano kagrabe ang kanyang injury at para magdesisyon ukol sa operasyon.
Mayroon siyang average na 22.3 points, 5.7 rebounds at 5.6 assists sa 35 games ngayong season ngunit ang kanyang shooting ay career-worst na 37.3 percent sa kanyang napaka-inconsistent na season.
Nalungkot ang Lakers nang malaman ang balita.