Alaska handang ipahiram sina Abueva at Casio sa Gilas

MANILA, Philippines - Handang ipahiram ng Alaska sina small forward Calvin Abueva at guard JVee Casio kung hihili­ngin ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin.

Ito ang sinabi ni PBA go­vernor at team manager Dickie Bachmann.

“We support the Gilas Pilipinas program. We’re willing to lend our players to the national team but they can only attend and not join the Gilas practi­ces until our PBA season is over,” wika ni Bachmann.

Sinasabing maaaring ikun­sidera ni Baldwin si­na Abueva at Casio sa kan­yang bagong national pool.

“Calvin should be shoo-in and JVee should be in there too being among the country’s best point guards right now,” sa­bi pa ni Bachmann.

Nilinaw ng Alaska official na maipapahiram la­mang nila ang kanilang mga players pagkatapos ng PBA season.

Ito ang naging dahilan kung bakit isinuko ni Sonny Thoss ang kanyang pu­westo sa original pool ni dating Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.

Ang 6-foot-8 na si Thoss ay miyembro ng Gi­­­las team na nag­hari sa Jones Cup no­ong 2012 sa Chinese-Taipei.

Ngunit hindi siya su­ma­ma sa pagpunta ng Gi­las sa New Zealand pa­ra sa pagha­handa sa 2013 FI­BA-Asia Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. (Nelson Beltran)

 

 

Show comments