Lady Eagles bumandera sa 1st round ng UAAP

MANILA, Philippines - Inangkin ng Ate­­­neo Lady Eagles ang lidera­to matapos ang first round ng 77th UAAP wo­men’s volleyball.

Hindi nakalasap ng kabiguan ang nagde­de­pensang kampeon ma­ta­pos ang pitong la­ro sa torneo at makikita sa istatistiko kung bakit na­gawa ito ng mga Lady Eagles.

Ang Ateneo ang na­nguna sa kategorya ng Best Spikers (37.71% success rate), Best Diggers (9 average by set), Best Setters (8.96 ave­rage by set) at Best Re­ceivers (28% efficiency).

Sa individual cate­gory, ang nagdedepensang MVP na si Alyssa Valdez ng Ateneo ang siyang na­ma­ma­yagpag.

Una siya sa scoring sa 155 total hits (22.1 average), pumangalawa sa Best Spikers (40.19% success) at pangalawa sa Best Servers (0.68 ave­rage by set).

Show comments