Pagkakaisa sa volleyball

MANILA, Philippines – Ang pagkakaisa at pakikipagtulungan sa hanay ng kanilang mga top leaders at stakeholders ang naging pagbati ng Philippine Volleyball Fe-deration  sa 2015.

“We in the Philippine Volleyball Federation are looking at a robust 2015 as well as the years beyond,” sabi ni Edgardo ‘Boy’ Cantada matapos ang kanyang pakikipagpulong sa mga PVF officials para plantsahin ang gusot sa kanilang asosasyon.

Sa nasabing pulong ay pinagtibay ang pag-upo ni Cantada bilang chairman at ang paghirang kay Karl Chan bilang president ng PVF na sinimulan din ang isang rejuvenated program para sa Philippine volleyball.

Bilang pagpapakita ng suporta sa mga national teams, inalok ni Cantada ang kanyang Cantada Sports Center bilang taha-nan ng mga national volleyball teams bukod pa sa pagiging venue ng iba’t ibang training at grassroots development program ng PVF.

Ang Cantada Sports Center ay may tatlong indoor volleyball courts (isang fully air-conditioned at isang Robbins All Star Plus shock absorbing maple flooring) at isang all-weather lighted beach volleyball court.

“All three indoor volleyball courts will be outfitted with Taraflex covering.  It can accommodate at least 100 persons in its comfortable hotel type and dormitory rooms,” dagdag pa ng PVF chairman.

Plano ng PVF na gawin sa Feb. 21, 2015 ang kanilang General Assembly na ipapanalisa sa Board meeting sa January 10.

Show comments