Wesley sasabak sa blitz

MANILA, Philippines – Hangad ni Filipino Grand Master Wesley So na matagumpay na simulan ang 2015 sa pagsagupa kay top Ame­rican GM Hi­raku Na­kamura sa isang blitz death match.

Nagmula si So sa apat na first place fini­shes at isang runner-up effort para umangat sa No. 10 mula sa No. 28 sa FIDE rating list.

Si So, kumakatawan ngayon sa US matapos magpalit ng chess fede­rations, ay may 2762 ELO rating, habang bit­­bit ni Nakamura ang 2776 bilang No. 9.

Sa blitz ay hawak ni Nakamura ang 2887 sa ilalim ng 2948 ni world champion at blitz king Magnus Carlsen kum­para sa 2726 ni So.

Haharapin ni So si Na­kamura na may lakas ng loob matapos magkampeon sa nakaraang Capablanca Memorial sa Cuba, ACP Golden Clas­sic sa Bergamo Ita­ly at sa Millionaire Chess Open at sa North Ame­rican Open sa Las Ve­gas, Nevada.

Pumangalawa siya sa Edmonton Open sa Alberta, Canada.

Gagamitin din ng tu­bong Bacoor, Cavite na si So ang laro bilang pinakahuli niyang tune up match bago sumabak sa mabigat na 77th Tata Steel Masters sa Jan. 10 sa Wijk aan Zee, The Ne­­therlands.

Show comments