UAAP break para sa papal visit

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng bakasyon sa UAAP Season 77 juniors basketball at pati sa men’s at women’s volleyball dahil sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Ene­­ro 15 hanggang 19, 2015.

Ayon kay secretary-treasurer Rod Roque, pahahalagahan nila ang naturang five-day papal visit.

Sa katunayan ay nirebisa ng UAAP ang iskedyul sa juniors basketball para sa nasabing aktibidad.

Magsisimula ang mga aksyon sa second round para sa high school division sa Enero 7 sa Blue Eagle gym kung saan makakatapat ng FEU ang UE; makakalaban ng NU ang UST; sasagupain ng De La Salle-Zobel ang UPIS; at sasagupain ng Ateneo ang Adamson.

Magpapatuloy ang mga laro sa Enero 10 at Jan. 14 bago tumigil ng isang linggo.

Magbabalik ang mga aksyon sa Enero 21.

Para sa men’s at women’s volleyball, magpapa­tuloy ang first round sa Enero 4-11.

Show comments