MANILA, Philippines – Hindi na makakatapat ng mga elite athletes ang mga baguhang aspirante sa susunod na Philippine National Games (PNG).
Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia sa hangaring maiwasan ang ‘mismatches’ sa mga events na nangyari sa mga nakaraang edisyon ng PNG.
“We have observed in the last PNG in Manila, there were many walk-in participants who actually had no business participating. They weren’t really qualified and as a result they got beaten black and blue by the qualified athletes in sports like boxing,” sabi ni Garcia.
Simula sa susunod na taon ay isasagawa ang mga regional qualifying events para madetermina kung sino ang nararapat maglaro sa National Finals na nakatakda sa 2016.
Ang mga regional tournaments ay idaraos sa Luzon, Visayas at Mindanao.
“To make sure that only qualified athletes will participate in the PNG, we’ll have regional tournaments in Luzon, Visayas and Mindanao,” sabi ni Garcia. “Winners will participate in the national finals in early 2016. The national finals will now be held every other year.”
Samantala, ang Koronadal, South Cotabato ang pinili ng sports commission para pangasiwaan ang Mindanao qualifying leg ng Batang Pinoy 2015.
Nauna nang natalo ang Koronadal sa hosting ng 2015 Palarong Pambansa.
Ang Tagum City ang mamamahala sa 2015 Palarong Pambansa.