Libreng ticket regalo ng PBA sa mga fans

MANILA, Philippines – Bilang regalo ng Philippine Basketball Association ngayong Pasko, bubuksan sa publiko ang general admission section ng Mall of Asia Arena ng libre para sa Game Four ng PBA Philippine Cup Final Four sa pagitan ng Rain or Shine at Alaska ngayon.

First-come-first-serve basis ang gagawin para sa libreng ticket mula sa PBA sa pangunguna nina PBA commissioner Chito Salud at ng PBA board of governors sa ilalim ni chairman Patrick Gregorio na isang paraan ng pakikipagdiwang ng PBA  ng Pasko sa mga fans.

“Paanyaya at pasasalamat sa mga fans ng PBA sa apat na dekadang pagsasama at pagsuporta. Sama-sama tayong mag Pasko,” sabi ni Salud.

“Nais po namin sa PBA board na magpasalamat sa ating mga basketball fans. This special free tickets offer is for all of you our beloved fans. Bring the family on Christmas Day,” sabi naman ni Gregorio. “Bahagi na ng pagdiriwang ng Pasko ang magkaroon ng PBA game. Gusto po naming magpasalamat sa aming PBA fans sa lahat ng suporta. Dumayo po kayo sa Mall of Asia ngayong Dec. 25. Maligayang Pasko sa inyong lahat.”

 

Show comments