Gallinari may injury sa tuhod

DENVER – Nagkaroon si Nuggets forward Danilo Gallinari ng torn meniscus sa kanang tuhod at inaasahang ooperahan sa lalong madaling panahon.

Hindi pa alam ng team kung kailan siya maka-kabalik

Nakitaan ng magandang laro si Gallinari  ngayong season noong Sabado nang manalo ang Denver kontra sa Indiana matapos umiskor ito ng 19 points, kabilang ang 3-pointer upang pag-initin ang fourth-quarter run.

Si Gallinari ay nag-a-average ng 7.8 points sa 18.8 minuto ngayong season.

Nakabalik siya sa paglalaro ngayong taon matapos ang halos 18-buwang pagkakatengga dahil sa  napunit na ACL sa kaliwang tuhod na kinailangang operahan.

Ang bugbog nang Nuggets ay hindi makakaasa kay guard Randy Foye (right quadriceps) at center JaVale McGee (lower left leg strain) nitong Lunes sa Charlotte. Hindi pa alam ang status ni forward Darrell Arthur dahil sa kanyang injury sa binti.

Show comments