Painters bumawi

MANILA, Philippines – Halos apat na oras ang tiniis sa trapik ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao para lamang makarating sa Mall of Asia Arena sa Pasay City mula sa kanyang tahanan sa Pampanga.

“Galing si coach Yeng sa C5. Naipit yata sa South Super Highway,” sabi ni assistant Caloy Gar­cia kay Guiao na dumating sa venue matapos ang halftime kung saan hawak ng Elasto Painters ang 55-36 abante.

Sinabihan ni Guiao si Garcia na ituloy na nito ang pagmamando sa Rain or Shine.

At ang resulta nito ay ang kanilang 102-95 pag­resbak sa Alaska sa Game Two para itabla sa 1-1 ang best-of-seven semifinals series nila sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi.

Nauna nang sinikwat ng Aces ang 87-80 panalo sa Game One kung saan sila nakabangon mula sa isang 17-point deficit sa second period.

Makaraan namang magposte ng 21-point ad­van­tage, 57-36, ang Rain or Shine sa 11:24 minuto ng third period ay nakadikit ang Alaska sa 80-85 sa 9:46 minuto ng final canto.

Tumipa si Paul Lee ng dalawang sunod na three-point shot para ibigay sa Elasto Painters ang 93-84 abante bago muling makalapit ang Aces sa 95-100 sa huling 23 segundo.

Sinelyuhan ni Gabe Norwood ang panalo ng Rain or Shine sa kanyang dalawang free throws sa natitirang 17 segundo.

Samantala, target ng San Miguel ang pagkuha sa 2-0 kalamangan sa kanilang semis duel ng Talk ‘N Text sa Game Two ngayong alas-5 ng hapon.

Inangkin ng Beermen ang 109-86 panalo kontra sa Tropang Texters sa Game One noong Biyer­nes kung saan kumolekta si 6-foot-10 June Mar Fa­jardo ng 23 points at 10 rebounds.

RAIN OR SHINE 102 - Cruz 19, Uyloan 18, Norwood 15, Lee 13, Almazan 10, Chan 7, Araña 7, Quiñahan 6, Ibañes 5, Belga 2, Tang 0.

Alaska 95 - Menk 18, Manuel 17, Baguio 14, Abueva 12, Banchero 8, Casio 8, Hontiveros 7, Thoss 3, Exciminiano 3, Jazul 3, Dela Cruz 2, Eman 0, Dela Rosa 0.

Quarterscores: 19-16; 55-36; 83-74; 102-95.

Show comments