Caloy Loyzaga tumanggap ng P1M ‘Pamasko’ sa PSC

MANILA, Philippines - Katulong ang kanyang anak na si actress Bing Loyzaga, personal na nagpunta si basketball legend Caloy ‘The Big Difference’ Loyzaga sa opisina ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Ang pakay ng mag-ama ay ang tsekeng P1 mil-yon na karapat-dapat na matanggap ng 84-anyos na two-time Olympian bilang monthly pension.

“Actually, more than P600,000 ang dapat sana ay makukuha niya sa mga years na hindi niya natanggap ‘yung monthy pension niya,” sabi ni Garcia. “But since Christmas naman ngayon we might as well round it off to P1 million.”

Mula nang maimplementa ang Administrative Order No. 352 sa ilalim ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 ay da-lawang taon lamang nakatanggap ng P3,500 monthly pension si Loyzaga.

Sinulatan ni Bing Loyzaga si Garcia para ipagbigay-alam ang naturang bagay.

Bagama’t sakay ng kanyang wheelchair ay masayang tinanggap ni Loyzaga, nagbigay ng apat na sunod na gold medal sa bansa sa pamumuno sa national team sa Asian Games noong 1951, 1954, 1958 at 1962, ang kanyang tseke.

“He can hear, he can understand but he can’t walk. He has to be assisted,” sabi ni Bing Loyzaga sa kanyang ama na na-stroke noong 2011. “He has also early signs of dementia.”

Tanging si light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. ang nabigyan ng one-time cash incentive na P750,000 maliban sa lifetime monthly pension na P7,000 dahil sa pagsikwat sa silver medal sa Olympic Games sa Atlanta, USA noong 1996.

Aalamin pa ng PSC kung sino pang mga achievers ang hindi nakakatanggap ng pension. (RC)

 

Show comments