Ateneo swimmer naghatid ng gold sa Pinas sa ASEAN

MANILA, Philippines – Inihatid ng Ateneo swimming ace na si Hannah Dato ng Team UAAP-Philippines ang ika-limang gold matapos pangunahan ang women’s 50-metter butterfly event noong Martes sa 17th ASEAN University Games sa Palembang, Indonesia.

Nagsumite  ang Season 77 MVP na si Dato, ga-ling sa kanyang kampanya sa FINA World Cham­pion­ships,  ng oras na 28.33 segundo upang igupo ang Thai swimmer na si Supasuta Sounthornchote na may oras na 28.63 seconds.

Nagsubi rin ang Team UAAP-Philippines ng dalawang silver medals mula kina University of the Philippines swimmer Denjylie Cordero sa wo­men’s 200-meter breaststroke at ang bagong MVP  na si Janry Ubas ng Far Eastern University sa men’s long jump.

Pumangalawa si Cordero  sa Malaysian gold me­dalist na si Erika Chia Kong sa kanyang oras na 2:38.97.

Nagtala naman si Ubas, nanguna para sa Tamaraws sa ikalimang sunod na kampeonato sa UAAP ka­makailan lamang, ng lundag na 7.30 meters para sa silver medal sa likod ng nanalong si N.A Sukhasvasti (7.58 meters) ng Thailand.

Sa kabuuan ang Team UAAP-Philippines ay may­roon nang limang golds, pitong silvers at wa­long bronzes para sa fifth place tampok ang 4-4-4 gold-silver-bronze.

May bronze ang Pinas sa women’s volleyball sa tulong ng UAAP champion Ateneo  bukod pa ki­na Ateneo tanker Ariana Herranz sa women’s 200-meter backstroke at FEU track and field mainstay Kenny Gonzales sa men’s javelin throw.

Show comments