MANILA, Philippines - Pakakawalan sa Sabado, Disyembre 13, ang National Finals ng 38th MILO Marathon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Ito ang inihayag kahapon ng nag-organisang Milo Philippines para sa re-scheduling ng nasabing pinakamatandang running event sa bansa.
“We thank all registered runners for their patience and wish them luck in the coming race. We invite everyone to join us for the conclusion of this prestigious event, and take part in the fun and excitement that this year’s event will bring to participants and spectators alike. See you all on Saturday!”
Napilitang kanselahin ng MILO Philippines ang National Finals noong Disyembre 7 dahil sa bagyong ‘Ruby’.
Ang premyong P300,000 at tropeo ang inilatag sa 42-kilometer race bukod pa sa all expense paid trip sa Tokyo Marathon 2015 para sa tatanghaling Marathon King at Queen.
Ipagtatanggol nina Eduardo Bue-navista, isang five-time MILO Marathon King, at Mary Joy Tabal ang kanilang mga korona sa men’s at women’s division na magtatampok din kina elite runners Eric Panique, Christabel Martes, Anthony Nerza at Philip Dueñas.