WASHINGTON -- Sa pagtatala ng 15-point lead ng Wizards kontra sa Heat matapos ang dalawang yugto, hinikayat ng 37-anyos na si Paul Pierce ang kanyang mga mas batang teammates na kunin na ang panalo.
“Well, Paul had a joke at halftime,’’ sabi ni point guard John Wall. “He said: ‘Let me get a rest. Let’s get it to like 25, so I can take a break.’’’
Nagbigay naman ng simpleng mensahe si Wizards coach Randy Wittman sa paghiling sa kanyang mga players na mag-focus sa laro.
“I said, ‘It’s the first team that really comes in and turns the screws defensively,” ani Wittman.
Parehong nakuha nina Pierce at Wittman ang kanilang gusto.
Naglista si Wall ng 18 points at 13 assists at pinuwersa ng Washington ang Miami sa 0-for-12 shooting sa 3-point line sa second half para iposte ang 107-86 panalo.
Sa Philadelphia, nag-laro ang San Antonio Spurs nang wala sina Tim Duncan at Tony Parker, ngunit nabigyan naman si Kawhi Leonard ng pagkakataon para magbida.
Tumipa si Leonard ng game-high na 26 points at nagsalpak ng krusyal na three-point play sa hu-ling minuto para igiya ang Spurs sa 109-103 panalo laban sa 76ers.
Ito ang pinakamasamang losing streak ng Philadelphia sa pagsisimula ng season sa kanilang 0-17 marka.