Rosario tatanggap ng award sa scribes

MANILA, Philippines - Tatanggap sina Troy Ro­sario, Jiovani Jalalon, Ge­lo Alolino at Baser Amer ng special awards ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa 2014 Col­legiate Basketball Awards sa Hu­webes sa Saisaki-Kamayan EDSA.

Pamumunuan ni Ro­sa­rio ang listahan ng mga awardees kung saan gagawaran ang UAAP champion National Universi­ty standout ng Doctor J Breakthrough Player.

Sina Jalalon at Aloli­no, ang bibigyan ng Impact Player award dahil sa kanilang kontribusyon pa­ra sa Arellano Chiefs at NU Bulldogs ngayong season sa recognition dinner na suportado ng Smart Sports, Accel 3XVI at Kohl Industries (Doctor J alcohol, Bactigel hand sa­nitizer at Mighty Mom dishwashing liquid).

Hihirangin si Amer ng San Beda bilang ACCEL Court General mula sa kan­yang pangunguna sa li­mang sunod na NCAA crown ng Red Lions.

Sina Eric Altamirano ng NU at Boyet Fernandez ng San Beda ang ma­mu­muno sa listahan ng mga awardees na ibinibigay ng mga collegiate bas­ketball scribes.

Tatanggapin nina Alta­mirano at Fernandez ang Coach of the Year award ka­sama sina Collegiate My­­thical Team members Kie­fer Ravena ng Ateneo, Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help, Ola Adeo­gun ng San Beda, Mac Belo ng Far Eastern University at Jeron Teng ng De La Salle.

 

Show comments